YABAG Mountaineers Conquered Bundok Bulangay Print
Thursday, 31 January 2008 21:33

Bundok Bulangay ang nasa likod namin
Bundok Bulangay ang nasa likod namin
I
nakyat ng YABAG Mountaineers ang Bundok Bulangay noong nakaraang Linggo (January 27, 2008) sa tinatayang taas na 1015 meters above sea level. Sa taas nito ay makikita ang ibat-ibang bundok sa Zambales lalong-lalo na ang Mt Pinatubo.Ayun sa mga matatanda noong panahon na hindi pa pumuputok ang Mt Pinatubo ang Bundok Bulangay ay mataba sa lupa dahil marami ka ditong matatagpuan ng mga tae ng bulate. Ngayon, ito punong-puno ng mga punong saging at matataas na damo na nagsisilbing bahay ng mga baboy damo.

Sa aming exploration ay eto ang aking napuna at na-engkuwentro:

1. Mala-disyertong paglalakbay
2. Tubig na mapag-iinuman na tumatagas sa gilid ng bato
3. Mga pugad ng ibon na tinatawag na pili na nagsisilbing mga maliliit na mga butas sa ash wall
4. Malakas na daloy ng tubig na nagsisilbing talon sa dulo nito
5. Horse tail
6. Orchids
7. Ilang mga bahay ng baboy damo
8. Malapitang engkuwentro (mga dalawang dipa ang layo) sa baboy damo
9. Ang dinaanan namin papuntang tuktuk ay mismong daanan ng mga baboy damo
10. Dumaan kami sa sagingan na maraming bunga at puso ng saging
11. Tilaok ng mga labuyo sa umaga.
12. Bayawak na nahuli pero nakatakas ng gabi ngunit nahuli ulit kinabukasan ng hapon.

Mga kasama kong YABAG Mountaineers na umakyat dito ay sina:
1. Ritchie Senoran (YABAG/MFPI/505)
2. John Taloy (YABAG/FEDEX Corp)

Mga ilang kuha sa aming exploration ay makikita mismo sa Webshots.Com

Last Updated on Thursday, 31 January 2008 21:35
 

Follow Me On ...

RSS Feeds I Tweet Follow Me on YouTube

GuestBook...
I am in the process of fixing some minor problems in my website and if you are having some problems in this article such as not showing the graphics files and broken links, kindly email ME the title of the article. Thank You.